Type Here to Get Search Results !

Moira dela Torre, Nagsalita na sa isyung siya ang unang nagloko sa kanila ni Jayson



Tuluyan nang binasag ng Kapamilya singer na si Moira dela Torre ang kanyang katahimikan kaugnay sa hiwalayan nila ng kanyang asawang si Jason Marvin Hernandez. 

Kamakailan lamang nang magulantang ang publiko sa pag-amin ng dalawa na tinapos na nila ang kanilang relasyon. Bagamat umamin si Jason na naging "unfaithful" siya pagkatapos nilang maikasal, kabi-kabila pa rin ang espekulasyon ng netizens. 

Isa nga sa mga espekulasyon ay 'di umano, si Moira ang unang nagloko. 

Ayon sa post ng isang netizen na nagpakilalang malapit na kaibigan ng dalawa, lumalabas na si Moira ang unang nagloko. Nagkaroon daw ng relasyon si Moira sa kapwa singer-songwriter na si Zack Tabudlo. 

Dahil dito, tuluyan nang nagsalita ang singer at mariing iginiit na hindi niya kailanman pinagtaksilan si Jason.

Ayon sa singer, ang tanging nakakaalam lang ng kwento ay ang mga taong nakakita kung paano siya nagdadalamhati at patuloy na nagpapagaling sa loob ng dalawang taon. 


Pahayag nito, "In spite of the pain I'm experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.

Hindi raw madali ang kanilang pinagdaraanan kaya naman nais niyang putulin ang mga espekulasyon na malayong-malayo sa katotohanan. 

Anito,  "Though we're no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us — most of which are so far from the truth."

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang paghilom kaya naman sana ay tigilan na ang gawa-gawang kwneto tungkol sa hiwalayan nila ng asawa at huwag nang magndamay ng ibang tao. 

Sana raw ay irespeto ng mga tao ang kanilang pinagdaraanan, 

"The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time," ani moira dela Torre. 

You may express your thoughts and reactions below through the comment section.