Sa patuloy na paglago at paglaganap ng teknolohiya, patuloy rin ang paglaganap ng mga taong mapagsamantala at mapagpanggap na tao sa internet at sa social media.
Hindi na bago ang kaso ng identity theft kung saan ginagamit ng isang tao ang
larawan, pangalan, at iba pang impormasyon na hindi naman niya pag-aari.
Ito ang nangyari sa netizen na si Jackie Adarayan Fleming. Laking gulat niya
nang bigla na lamang may lalaking lumapit sa kanya at nagpakilalang boyfriend
niya.
Mariin itong itinanggi ni Fleming at sinabing hindi niya ito kakilala ngunit
iginiit din ng lalaki na siya raw ang kausap nito at mahigit siyam na buwan na
silang magkarelasyon. Ayon pa rito, kaboses ni Fleming ang babaeng madalas
niyang kausap online.

Ipinaliwanag ng dalaga sa lalaki na hindi niya ito kilala at wala siyang alam
sa sinasabi ng lalaki. Gayunpaman, hindi pa rin naniwala ang lalaki at
nagpatuloy ang pangha-harass nito sa dalaga.
Dahil dito ay nagpasya si Fleming na dalhin na sa presinto ang tagpo nang sa
ganoon ay magkaliwanagan sila.
Dito na napag-alaman na ang kausap ng lalaki ay isang poser na ginagamit ang
larawan at iba pang impormasyon ng dalaga. Maging ang kanyang pamilya at mga
kaibigan ay ginawan din ng fake account ng poser upang magmukha talagang siya
si Fleming.
Samantalang napag-alaman din na ang lalaki pala ay minsang nakapagpadala ng
pera sa poser ni Fleming.
Sa Facebook post ni Fleming, sinabi nito na matagal na siyang humihingi ng
tulong upang ireklamo ang kanyang poser ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin
ito nasusulusyonan. Patuloy pa rin ang poser na ito sa pagpapanggap at
panloloko ng ibang tao.
"Yes, I have approached authorities for help and they have not been able
to help me.
Approached the cybercrime unit here in cebu, and still no real help in
actually tracking down who the culprit is sa kaning PSYCHOTIC nga poser.
If I will not be protected as a Citizen then I will fight and find ways to
speak up and be helped by someone who can actually help me finish this
once and for all, I deserve peace of mind. I deserve to feel safe in my
own home. I AM A HUMAN BEING, AND I REFUSE TO BE IGNORED TILL THE DAY
SIMBAKO MA UNSA NA NIYA KO. PLEASE I NEED ALL THE HELP I CAN
GET,"
ani Fleming.
Ngayon ay natatakot daw siya para sa kanyang kalagayan.
Panoorin ang video:
Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Comment your thoughts!