Type Here to Get Search Results !

Inspiring Lola, um-attend ng face-to-face class para matuto at maturuan ang mga apo na mahina sa Math

Ibinahagi ng Math Teacher na si Rodney Nicodemus, mula sa Bulwang Elementary School, District of Numancia, Aklan, ang isang inspiring story na nagpapakita ng pagmamahal ng isang lola sa kanyang mga apo. 

Sa Facebook post na ibinahagi ni Sir Rodney noon, sinabi nito na lumapit sa kanya si Lola Merlita Militar, 79 taong gulang upang magpatutor sa math dahil nahihirapan itong turuan ang kanyang dalawang apo. 

Makikita sa larawang ibinahagi nito na sa loob ng isang classroom, silang dalawa lamang ng matanda ang nagkaklase.

Kwento ng guro, "She approached me na kung puwedeng turuan ko raw siyang muli. This is the second time around na magpapaturo siya sa akin in mathematics."

Hindi raw kasi nakapagtapos ng pag-aaral ang matanda kaya naman desidido itong matuto para maturuan ang apong isang 11 taong gulang at isang 4 na taong gulang para makapagsagot sa kanilang modules. 

Siya na raw ang nag-alaga sa mga apo dahil ang mga magulang ng mga ito ay naghahanap-buhay sa Cebu. Bagamat hirap din siya, desidido ang matanda na matuto ang kanyang mga apo lalo na ngayong walang face to face class. 

Samantalang dahil dito, maraming netizens ang natuwa at na-inspire, hindi lang kay Lola Merlita kundi maging sa gurong si Sir Rodney.

Aminado ang publiko na mahirap talaga ang sistema ng edukasyon ngayon mula nang magkaroon ng pandemya kaya naman nakatutuwa na makakita ng taong nagsisikap at nagtityaga para matuto. Nakakataba ng puso na hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga lola na handang magsakripisyo para sa kanilang mga apo.
Ayon pa sa mga ito, maswerte ang mga apo ni Lola Merlita sa kanya. 

Anong masasabi mo sa balitang ito? Comment your thoughts!