Type Here to Get Search Results !

Dating member ng Toro Family na si Buli, Isiniwalat ang Kababoyang Ginawa ni Rob Moya sa Kanya


Muli na namang viral sa social media ang vlogger na si Rob Moya matapos lantarang ibunyag ng dating miyembro ng Toro Family na si Buli na sapilitan siyang dinala ng vlogger sa isang motel sa Ortigas. 

Sa video na inilabas ni Buli noong June 2, emosyonal nitong ibinahagi ang pambabastos sa kanya ng dating kinakasama ni Toni Fowler na si Rob Moya. 

Sa nasabing video, sinabi ni Buli, March ngayong taon bigla na lamang nag message sa kanya si Rob Moya at inaya siya na makipagkita. Dahil nakikipagkita rin naman siya minsan sa iba pang miyembro ng Toro Fam at sa tingin niya naman ay walang malisya ang pagme-message nito sa kanya, pinaunlakan niya ito. 


Kwento ni Buli, "Dumating 'yung point na humaba yung conversation, nag-aya mag coffee, get together. Ako naman... may pinagsamahan kasi e. Hindi ko siya ni-look na maging jowa, maging boyfriend, ang tingin ko sa kanya ay kuya kuya."

Habang nasa isang event siya ay bigla nalang daw nag message si rob at sinabing pupuntahan siya nito. Sinundo raw siya nito at laking gulat na lang niya nang nasa isang motel na sila sa Ortigas. 

Saad pa nito, "Sabi ko bakit tayo nandito? Sabi niya iwas issue kasi alam mo naman ako, maingay ako ngayon."

Dahil kilala niya naman daw si rob ay pumayag siya kahit pa kinukutuban na siya paakyat pa lang sila sa hagdan. 

Imbis na kape ang iinumin nila, nagulat raw siya nang alak ang andon. Sinubukan pa niyang magreklamo ngunit sinabi raw ni Rob na minsan lang naman. 

Salaysay pa ni Buli, "Nung drinking na, nagkakaroon na ng conversation na mahaba... nag start na siya mag-ask. Ang sabi niya, 'can I kiss you?'."

Apat na beses daw siya nitong sinubukang halikan hanggang sa mahulog na siya sa sofa. Nang dalhin raw siya nito sa kama ay nagsimula ulit ang vlogger. 

"Nung nasa bed na tuloy-tuloy niyang ginagawa. Ang sinasabi ko lang no.. hindi pwede, hindi pwede 'to. Hanggang sa nag-aagawan na kami sa damit ko. Pilit niyang hinuhubad yung hoodie ko habang hinahalikan niya ako.

"Ang sabi niya, bakit single ka naman ha? single din naman ako, anong masama don?"

Natigil lang daw ito nang tumayo siya at nakatakbo sa cr. Nagkulong siya ng halos 5 hanggang 10 minuto dito. Noong akala niyang kumalma na si Rob ay nagpasya siya na lumabas na ngunit laking gulat niya na nakahubad na ito ng damit pantaas.

Pagkalapit niya sa lamesa ay muli na naman daw siyang hinatak nito at pilit hinuhubad ang damit niya. hanggang sa napansin nalang niya na nahubad na rin ni Rob ang pambaba nito. 

"Nung nangyari 'yun nakita ko na yung private part niya. Nagpupumiglas na ko nang sobra, naghysterical na ko. Dali-dali kong binitbit yung bag ko at tumakbo na ko palabas ng kwarto," anito. 

Grabeng trauma raw ang nangyari sa kanya at ilang araw siyang hindi nakatulog sa takot na pasukin sya ng ibang tao sa sarili niyang kwarto. 

Hindi lang doon natapos ang panggugulo sa kanya ni Rob dahil pagkatapos nitong humingi ng tawad sa kanya ay paulit-ulit na naman siyang inaya nito na lumabas at makipag-inuman sa kanya ngunit hindi na niya pinaunlakan. 

Ayon kay Buli, ginawa niya ang video na ito upang magbigay ng awareness sa iba pang babae na naging biktima ni Rob. Hindi niya ito ginawa upang manira o kung anuman. Ginawa niya ito para wala nang ibang tao at babaeng mabiktima ang vlogger. 

Anong reaksyon mo sa balitang ito? Comment your thoughts!