Type Here to Get Search Results !

Dating child star na si Alyanna Angeles, ginulat ang lahat sa kanyang glow up!


Marami ang napa-wow sa pagbabalik ng dating child star na si Alyanna Angeles dahil matapos itong mawala ng ilang taon sa showbiz industry, muli itong nagbabalik na isa nang ganap na dalaga. 

Marami ang nagulat at halos hindi siya nakilala dahil malayong-malayo na ito sa kanyang hitsura noong siya ay bagets pa. Ngayon ay napaka-sexy at mas lalo pa itong gumanda.

Matatandaan na nakilala si Alyanna noon sa kanyang mga remarkable role sa larangan ng telebisyon at pelikula. 

Kung sinusubukan mong alalahanin ang mga palabas kung saan siya lumabas, hayaan mong sariwain namin ang iyong alaala sa pamamagitan ng pagdaan sa ilan sa kanyang pinakasikat na role na ginampanan.

Nagsimula ang magandang aktres sa kanyang karera bilang isang child actress. Sa simula, lumabas siya sa iba't ibang komersyal. 

Una siyang nabigyan ng big break noong taong 2011 nang mapasama siya sa teleseryeng Maria la del Barrio. Gumanap siya bilang anak ni María Hernandez-Dela Vega na ginampanan nina Erich Gonzales at Luis Fernando M. Dela Vega, na ginagampanan ni Enchong Dee.


Matapos ito ay marami ang naka-appreciate sa galing at talento ng aktres sa pag-arte kaya naman nagsunod-sunod pa ang kanyang mga proyekto. 

Taong 2012, nang mapabilang naman siya sa TV series na Kung Ako'y Iiwan Mo at Juan Dela Cruz. 

Noong 2014 naman, gumanap si Alyanna bilang Señorita Isabelle Miravelez, ang batang bersyon ng karakter ni Kim Chiu sa drama series na pinamagatang Ikaw Lamang. Ito ang kanyang unang pagtatambal kay Zaijan Jaranilla, na gumanap sa batang karakter ni Coco Martin na si Samuel S. Hidalgo, ang love interest ni Kim Chiu.


Dahil nga mayroon itong hawig kay Kim Chiu, muli itong napabilang sa romantic drama na The Story of Us bilang batang Kim Chiu. Ito ang kanyang pangalawang pagtatambal kay Zaijian, na gumanap bilang batang Macoy Sandoval, ang karakter ng leading man ni Kim na si Xian Lim.

Huling napanood si Alyanna sa episode ng Maalaala Mo Kaya na “Damit" bago napabalitang nagdesisyon ang dalaga na pansamantla munang iwan ang industriya para mag-focus sa kanyang pag-aaral. 

Ngayon, si Alyanna ay nasa hustong gulang na at sinusubukang bigyang ningning ang kanyang bituin sa pangalawang pagkakataon! 

Malayo sa batang babae na dati nating nakilala, ang dating child star na si Alyanna Angeles ay lumaki at naging isang napakagandang teenager na handang-handa nang dalhin ang kanyang karera sa next level! 

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Comment your thoughts!