G na g na nakipag bakbakan ang aktres na si Sunshine Cruz laban sa mga bashers na pumupuna sa kaniyang edad.
Sa kaniyang pinaka bagong Facebook post, ibinahagi ni Sunshine sa kaniyang mga
fans na sa kabila ng pagiging 44 years old ay nananatili pa ring aktibo ang
kaniyang lifestyle sa pamamagitan ng pagwowork out.
Sunod naman ay ibinahagi niya ang ilan sa mga hate comments ng mga bashers at kung paano niya sinagot ang mga ito.
Isa na rito ang netizen na tumawag sa kaniya ng "lola"
“Lola yung buto mo ingat din baka mabalian ka.”
Ani ng aktres, kung mayroong dapat mag ingat sa kanilang dalawa, mas nararapat umano ang basher dahil bukod siya sa kaniyang edad ay mukhang nangangayayat umano ang nag comment at mukha rin itong gutom.
“Are you trying to insult me by calling me lola?
“Proud of my age! I am 44, healthy and happy.
“Tbh, I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaroon ng nutrition ang katawan at pag-iisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy,” sagot niya.
Kasunod naman nito ay may isang netizen na tumawag sa kaniyang ate na si Marites Cruz na "tigulang", na ang ibig sabihin sa bisaya ay matanda.
“Tigulang na gyod” ani ng basher.
Dito ay sumagot din si Sunshine, “My sis is 54 and she obviously looks good for her age. Ageing happens to everyone po.
“Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging ‘tigulang,'”
Mayroon ding basher na tinawag si Sunshine na "kwaknit," na ang ibig sabihin ay paniki.
“Still stunning look the outside… ang loob kaya ng sa panty baka matandang kwaknit.”
Hindi na siya sinagot ni Sunshine, bagkus ay nagpost na lamang siya sa kaniyang Instagram bilang paalala na walang sinuman ang dapat mahiya sa edad nila.
“Guys! Hello! Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing.
“Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many. Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person.
“I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy.
“Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating mga edad. Stay safe and healthy everyone. Magandang Hapon po,”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!