Marami ang nagulat at nalungkot matapos kumpirmahin ng mag-asawang Moira dela Torre at Jason Hernandez na tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon.
Matatandaan na tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magpakasal ang dalawa. Nito lamang April 2022 nang pumutok ang balita na naghiwalay na ang mag asawa dahil sa pagbura ni Moira ng kanilang mga larawan sa Instagram ngunit mariin itong pinabulaanan ng dalawa at itinanggi ang nasabing espekulasyon.
Samantalang nito lamang May 31, Martes nang maglabas ang dalawa ng kanilang joint statement kung saan nila inamin na humantong na sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Nakasaad dito na bagamat tuluyan na nilang winakasan ang kanilang pagsasama, mananatili pa rin ang pagmamahal at respeto nila sa isa't-isa.
Ayon sa inilabas na pahayag, "It is with a heavy heart that after three years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult time."
Ibinahagi ni Moira ang nasabing pahayag sa kanyang Official Facebook account nang walang kahit na anong sinabi sa caption. Samantalang si Jason ay nagbigay pa ng impormasyon kung saan inamin nitong siya ang may kasalanan ng kanilang hiwalayan.
Ayon dito, hindi raw siya naging "faithful" kay Moira pagkatapos nilang ikasal.
Ani Jason, “3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better."
Tinapos niya ang caption sa paghingi ng tawad sa lahat ng taong nasaktan niya, lalo na kay Moira.
“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” he added. “From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi," dagdag pa nito.
Sa ngayon ay tahimik ang kampo ni Moira. Gayunpaman, iba-iba ang naging reaksyon ng publiko rito. Marami ang nakisimpatya kay Moira samantalang sandamakmak na batikos naman ang natamo ni Jason.
Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Comment your thoughts!