Kinumpirma ng Kapamilya actress na si Julia Barretto na muli silang magsasama sa isang pelikula ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.
Sa panayam nito sa programa ni Boy Abunda sa YouTube, sinabi ng aktres na nakatakda siyang gumawa ng ilang pelikula sa ilalim ng Black Sheep production at ang isa dito ay pagsasamahan nila ni Joshua.
“I want to do films [this year]. I am going to be doing a movie also with Josh under Black Sheep this year,” pagbabahagi ng aktres.
Tila bahagya rin nitong pinatunayan na maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa nang ibahagi niya kung ano ang kanilang napag-usapan kamakailan lamang.

Minsan daw nilang napag-usapan ang buhay pag-ibig ni Joshua kung saan nakuha pa ni Julia na magbigay ng advice rito. Inamin ni Julia na pinayuhan niya ang aktor na huwag munang mag girlfriend.
"Ako tinatanong ko, ‘How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang mag-girlfriend,'
“Sabi niya sa akin, ‘Bakit ba ayaw mo akong magka-girlfriend?’ Sabi ko, ‘Basta huwag ka munang mag-girlfriend. Enjoy this. Enjoy what you have now.’ He’s young. He’s in his prime. He’s a brilliant actor. It’s not the time to be limited right now,” paliwanag ni Julia Barretto.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa ngunit ayon sa aktres ay nanatili silang magkaibigan ni Joshua.
Natutuwa siya kay Joshua dahil nakikita niya na nirerespeto nito ang kanyang kasalukuyang nobyo na si Gerald Anderson.
“I think one of the things that I really appreciate about him is he respects Ge (Gerald Anderson) a lot. That says a lot about Josh as well and how much he’s grown and matured. He respects Ge and that means a lot to me,” dagdag pa ng aktres.
Samantalang iba-iba naman ang naging reaksyon ng publiko rito, may iilan na tinawag si Julia na "paladesisyon" dahil sa umano'y pangingialam nito sa buhay ni Joshua ngunit may iilan naman na sumang-ayon sa payo ng aktres na mag-focus muna si Joshua sa kanyang karera.
Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Comment your thoughts!