Marami ang nagulantang at nalungkot sa masamang balitang ibinahagi ng comedian at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Twitter.
Biyernes ng gabi ng mag-tweet ito ng, "Rest in peace, Tita Susan Roces."
Marami ang nagulat at hindi makapaniwala dito dahil kamakailan lamang ay napanood pa ang Queen of Philippine movies, na si Susan Roces sa FPJ's Ang Probinsyano bilang Lola Flora.
Ngunit ilang oras lamang ang lumipas ay naglabas na rin ng pahayag ang anak nitong si Sen. Grace Poe at kinumpirma ang pagkamatay ng kanyang ina.
Ayon sa kanyang Facebook post, “With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends.
“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindess. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well-lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” dagdag pa nito.
Samantalang bumaha naman sa Twitter ng pakikiramay at pagpupugay mula sa mga personalidad sa show business at pulitika.
"My sincerest condolences to Sen Grace and the family and loved ones of Ma'am Susan Roces... Rest in peace po Ninang Susan... you will be missed..." pahayag ni Senator-elect Francis "Chiz" Escudero sa kanyang Twitter.
"Rest In Peace Ninang Susan Roces," ani Senator-elect Jose Victor Ejercito.
"Sincerest condolences to the Poe family Rest in peace, Ms. Susan Roces," pagbabahagi ng TV host na si Bianca Gonzales.
"Nakakalungkot naman. Isang napakabuting tao ang nagpaalam. Hinding hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo sa amin mga nakatrabaho mo. RIP Susan Roces," saad naman ng TV host at aktres na si Alex Gonzaga.
Hanggang ngayon ay wala pang detalye kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng beteranang aktres at wala pa ring inilalabas na pahayag tungkol sa detalye kung saan ito ibuburol at ililibing.