Type Here to Get Search Results !

Sikat Na Celebrity Sinagot Ang paratang Na Pera Lang Ang Habol Niya Sa Kanyang Boyfriend

Mariing pinabulaanan ni "Pastillas Girl" Angelica Jane Yap ang alegasyon na karelasyon lang niya ang rapper na si Flow G para sa pera.

Si Angelica, isang kilalang social media influencer at content producer, ay lumabas sa dating game ng It's Showtime sa unang pagkakataon noong 2015.

Si Archie dela Cruz, na kilala rin bilang Flow G, ay isang Filipino rapper na bahagi ng Ex Battalion.

Parehong may mahigit isang milyong followers ang mga Instagram at YouTube channel nina Angelica at Flow G.

Sa nakalipas na dalawang taon, tila wala pa ring kasing tamis ang relasyon ng dalawa.

Ngunit napakaraming mga bashers pa rin ang hindi mapigilang mag komento tungkol sa kanila.

Sinagot ni Angelica ang mga maaanghang na komento tungkol sa kanila sa YouTube vlog ni Herlene "Hipon" Budol noong Marso 23, 2022.

Isa sa mga sinabi kay Angelica ay: “Mukha kang pera. Pinatulan mo lang si Flow G dahil sa pera.”

“Noooo. Hello!” saad ni Angelica.

Nagbahagi siya ng kaunting payo na naalala niya mula kay Heart Evangelista.

Masasabing naka-relate si Angelica sa pinagdaanan noon ni Heart at ng kanyang asawang si Chis Escudero, kung saan sila ay binabash din dahil sa kanilang relasyon.

Ako, narinig ko na ito kay Heart. Pinaulit-ulit ko itong sinabi ni Heart Evangelista na, ‘Aanhin mo naman yung pera kung hindi mo naman mahal yung tao?’”

Saad ni Angelica, magkapantay lang sila ni Flow G pagdating sa kakayahan sa pera.

“Tsaka ang pera kinikita ko iyan. Kung kumikita ng pera si Archie, ‘Day, kumikita na rin ako ng pera.

“Baka pantay lang kami ng savings, hindi ko alam...”

Resbak pa ng vlogger sa mga bashers, “Ang babaw niyo na tao. Kung ganoon ang tingin niyo sa ibang tao, kasi kung magdya-judge kayo na ganun ako, malaki yung tsansa na ganun kayo.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!