Type Here to Get Search Results !

Sexy Aktres, Nagluluksa Sa Pagkawala Ng Kanyang Kapatid Na Hindi Alam Ng Marami

Nagluluksa ngayon ang comedienne at actress na si Ruffa Mae Quinto sa pagkawala ng kaniyang kapatid na si Vincent.

Sa kaniyang latest Instagram post noong Miyerkules, April 6, ibinahagi niya ang ilang mga larawan nila ng kapatid at nagbigay na rin siya ng mensahe para rito.

Ibinunyag niya rin na si Vincent ang dahilan ng kaniyang biglaang uwi sa Pilipinas.

Sa ngayon ay kasalukuyang nakatira si Ruffa sa Estados Unidos kasama ang kaniyang asawa at anak.

Hindi na idinetalye ni Ruffa ang pagkamatay ng kaniyang kapatid ngunit inilagay niya sa tagged location ng kaniyang post na St. Peter Chapel sa Quezon City ginaganap ang lamay para rito.

Samantala, narito naman ang kaniyang mensahe para sa kapatid: "Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him.

"May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen," dasal ni Rufa Mae sa caption ng kanyang post.

Dagdag niya (published as is), "Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sayo Vincent, ang pogi at mabait kong kapatid, Rip [praying and heart emojis

"Mahal ka namin @symonkeyking Grabe pala malagasan ng kapatid. Iba din."

Kasama niya namang umuwi ng bansa ang kaniyang anak na si  Alexandria Athena, limang taong gulang.

Samantala, agad namang inulan ng pagmamahal, pakikiramay at suporta ng mga fans at kaibigan sa loob at labas ng showbiz ang post ng aktres, kabilang na sina Jaya, Regine Angeles, Ogie Alcasid, at Tanya Garcia.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!