Type Here to Get Search Results !

Seth Fedelin, Sa Wakas Ay Nagsalita Na Sa Relasyon Ni Andrea Brillantes at Ricci Rivero

Sa wakas ay nagsalita na ang aktor na si Seth Fedelin, ang kalove team at matagal nang nalilink sa aktres na si Andrea Brillantes matapos mangyari ang proposal sa kaniya ng basketball player na si Ricci Rivero upang maging girlfriend niya.

Ngayon lamang, Abril 10, binasag na ni Seth ang kaniyang katahimikan at nagbigay na siya ng opinyon tungkol sa relasyon ng dalawa.

Matatandaan na kagabi, Abril 9, ay nag trending si Andrea at Ricci matapos mag public proposal ang basketball-player at actor sa Kapamilya star matapos nilang mauwi (UP Maroons) ang panalo laban sa FEU Tamaraw sa UAAP.

Sinagot naman ni Andrea si Ricci ng matamis na oo kung kaya naman agad na nakisimpatya ang netizens kay Seth, na matagal nang ka love team nito.

Sa kaniyang Instagram live, winakasan na ni Seth ang mga usap-usapan at sinabi niyang nais na niyang wakasan ang mga hindi magagandang komento na natatanggap ni Andrea,.

Aniya, ginawa niya ang live na iyon para lamang sa kaniyang "kaibigan" na hindi niya pinangalanan, ngunit malinaw na ang ka love team niya ang tinutukoy nito.

"Deserve yon ng kaibigan ko na may gumawa sa kaniya non, na ipagsigawan siya"

Aniya, walang alam ang mga bashers sa mga nangyayari at silang dalawa lang umani ni Andrea ang nakaka alam sa sitwasyon. "Suportado ko po sila, walang dapat madehado,"

Dagdag pa niya, hindi tama na pinuputakte ng komento ngayon si Andrea dahil kawalan umano ito ng respeto sa mga kababaihan. "Tama na, hindi po tama lalo na po't babae, para naman po tayong walang respeto sa mga nanay natin. nagsasalita lang po ako para sa kaibigan ko"

Sa huli, sinabi niyang, "wag po tayong maniral ng tao. rak en rol lang guys"

Maraming mga fans at kaibigan niya ang nag komento sa kaniyang live, kabilang na rito ang aktres at singer na si Vina Morales, "its nice that you should clear it yourseld weldome to showbiz bebe boy marami pang dadating youre doing good and proud of you"

Sa ngayon ay mapapanuod pa rin  ang nasabing live ni Seth dahil nais niya umanong linawin ang isyu, at wala siyang balak burahin ito.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!