Type Here to Get Search Results !

Isang Aktor, Ibinulgar Sa Publiko Ang Ginawa Sa Kanya Ni Tom Rodriguez Sa Elevator Na Hanggang Ngayon Ay Hindi Niya Makalimutan

Hindi makakalimutan ni Rob Gomez, isang Kapuso actor, ang ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez sa elevator.

Malinaw pa na naalala ni Rob, ang anak ng dating aktres na si Kate Gomez at pamangkin ni Gary Estrada, ang unang pagkikita nila ng Kapuso actor at singer.

Sa isang panayam, sinabi ni Rob na naging fan siya kaagad ni Tom dahil sa kabutihang loob na ibinigay nito sa kanya nang sumakay sa elevator sa parehong gusali.

“May bago pala akong favorite actor ng GMA. Ise-share ko lang ‘to kasi I had a really wornderful experience. Lumabas lang ako ng elevator, tapos binati niya ko,” pahayag ng aktor ng “A Girl and a Guy” at GMA Telebabad series na “Mano Po Legacy: The Family Fortune.”

“I had a face mask and everything. Binati niya ako, ‘Hi.’ Sabi ko, ‘Hi po.’ Sabi niya, ‘I’m Tom.’ Gumanu’n siya. Sabi ko, ‘Hi po, I’m Rob. Yeah, I know you.’ Gumaganu’n ako kasi sikat siya,” pahayag ng Kapuso actor.

Patuloy pa niya, “Really si sir Tom Rodriguez, he was nice, sobrang bait. Nagulat din po ako. That certain kind of gesture, really stood out.

“Siya ‘yung unang actor na lalaki na gumanoon po saakin doon kaya nakakatuwa. It speaks a lot about a person,” dagdag ni Rob.

Aniya pa, “Sobrang natutuwa ako, as in. Sabi ko, ‘Wow, next level ka. I like you. Sana makatrabaho kita.’ Parang ganoon ‘yung dumating sa utak ko. Props to him. Sana marinig niya ito.’

“He’s so cool. I hope I get to work with him. Sana! I heard he’s good. I heard he’s a good actor. I love working with great actors.”

Samantala, inaabangan naman ni Rob ang kanyang mga susunod na pakikipagsapalaran, at umaasa siyang mabibigyan siya ng pagkakataong umarte tulad ng kanyang mga kapamilyang Estrada at Ejercito.

“I’m manifesting. I can’t make promises, only God knows. Hindi pa nasasabi sa akin pero nararamdaman ko na. Guys, please keep on supporting me,” aniya pa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!