Type Here to Get Search Results !

Ex Ni Ricci Rivero, May Nakakagulat Na Pasabog Kung Paano Siya Niloko Ng Kasintahan

Sa kabila ng congratulatory messages at kilig comments para sa new celebrity couple na si Ricci Rivero at Andrea Brillantes, ay ang kumukulong "tsaa" naman para sa ex ng basketball player na kinilalang si Bea Borres.

Kasalukuyang trending ngayon ang influencer na si Bea matapos niyang ibunyag sa Tiktok kung paano siya niloko ng kaniyang kasintahan na nagngangalang Kai Suzon.

Hindi aktibo sa social media si Kai, ngunit si Bea ay mayroong 494k followers sa Instagram, at mayroon ding Youtube channel.

Samantala, maalala namang naging magkarelasyon si Bea at Ricci noon.

Kamakailan lang ay sunod-sunod na inexpose ni Bea ang boyfriend na si Kai matapos niyang malaman na may kamomol ito umano sa CR, at ilang beses nang nangbabae kahit na magkasama silang dalawa.

Inilabas din ni Bea ang sunod sunod na "resibo" o screenshot ng usapan nila at ng babae na hindi na niya pinangalanan matapos itong umamin sa kaniya sa ginawa nila ni Kai.

Ayon sa kaniya, hindi alam ng babae na sila pa ng binata kung kaya naman humihingi ito ng tawad sa kaniyang nagawa.

Samantala sa ibang mga screenshots na ibinahagi ni Bea, makikita na ipinagdidiinan ni Kai na hindi na umano sila kaya malaya na siyang gawin kung ano ang gusto niya.

Pagdidiin ni Bea, katatapos lang nila noong mag away at kinausap na ni Kai ang nanay ng influencer at nangako rin daw ito na hindi na niya paiiyakin ang dalaga.

"Sa mga nagcocomment sa akin sa Tiktok na kung pwedeng mag share tayo ng jowa, sa inyo na! Basta tiisin niyo yung pagtatrato sa inyo ng shit, at pagloloko sa inyo. Goodluck sa magiging next niya." ani Bea sa Tiktok.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!