Type Here to Get Search Results !

Aktres May Ibinunyag Sa Publiko Matapos Niyang Magkaroon Ng Anak Na Hindi Alam Ng Lahat

Dalawang taon matapos siyang manganak sa kaniyang panganay, masasabi ng komedyante na si Ethel Booba na napakarami ng nagbago sa kaniyang buhay na hindi niya akalaing mangyayari.

Taong 2017 simula noong umusbong ang relasyon nila ng ka live in partner na si Jesse Salazar, isang executive chief. Bandang 2020, isinilang ni Ethel ang kaniyang anak na si Michaela.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin handang magpakasal ang aktres, kung kaya naman sa ngayon ay mas focus na muna siya sa kaniyang bagong project with singer, host and also comedienne na si K Brosas na Lakwatsika.

Travel at syempre, chikahan ang mangyayari sa bagong show na ito, kung kaya naman excited na excited na si Ethel sa premiere nito.

Sa presscon ng Lakwatsika, ibinida ni Ethel ang iilan sa mga nabago sa kaniyang buhay simula noong dumating sa kaniya ang kaniyang unica iha.

Professional wise, mas malaki umano ang inimprove ni Ethel pagdating sa seriousness sa trabaho at wala na rin umano ang kaniyang pagiging luka-luka.

Ani niya, mismong mga katrabaho niya ang nakapansin nito at ikinatuwa naman nila ang character development ng first time mom.

Hindi ko rin ma-explain. Ganun pala talaga kapag ina ka na.

"Ano yun, e, lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Kapag nagkakamali, ayokong mapahiya siya.

“Siyempre, ang dami kong kalokahan dati, lalo na pag love life. Nakakatuwa naman na kusa namang nagbago ako. Dala na ring ina na ako.

"Thank you at na-appreciate nila yun."

Hindi niya rin isinasama sa kaniyang mga punch line ang kaniyang anak dahil ayaw niyang madamay ito sa linya ng kaniyang trabaho, at ayaw niyang gawing joke.

Samantala sa ekslusibong panayam niya sa PEP.ph, nagbigay pa ng detalye si Ethel tungkol sa kaniyang buhay ngayon.

"Iba, una hindi na ako umiinom," sagot niya.

"Yes, iyan ang pinaka-problem ko talaga noon, saka yosi hindi na. Marami akong pinagbago, in-adjust para sa anak ko.

"Pasensiya. Actually, pasensiya talaga.

"Pikunin ako, e. Madali akong mairita, pero sa kanya iba ang pasensiya ko. Yung kulit niya.

"Ganun pala talaga, mapagbabago ka ng bata. Nag-mature ako na hindi ko akalain na mangyayari sa akin dahil sa bata."

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!